01:00.0
Ngayong summer, marami ang nagahanap ng road trip.
01:19.6
Pero ang mag-asawang Dennis at Celine, all year round ang adventure.
01:25.4
Dahil ang van na kanilang sinasakyan, itinuturing na rin nilang tahanan.
01:30.0
Sinamahan sila ni Victoria tulad para ma-experience mismo ang nauusong van life.
01:43.0
Nakita natin sa social media yung isang mag-asawa na nililibot ang Pilipinas
01:47.0
gamit ang kanilang van at sa van na rin sila mismo nakatira.
01:51.0
So, nandito sila ngayon sa Binangon ng Rizal at tara, kamustahin natin sila.
01:56.0
Taw Po! Magandang araw po. Hello po! Victoria!
02:01.0
Hi, Dennis! Hello po! Victoria po! Hi po, Celine!
02:04.5
Balita ko, galing kayong Sursogon, ha?
02:07.5
Kumusta naman ang biyahe papuntang pabalik ng Maynila?
02:11.0
Masaya, masaya. Ang daming adventure.
02:14.0
Halos dalawang taon din bago nakabalik sa kanilang bahay sa Rizal, ang mag-asawang sina Dennis at Celine.
02:22.0
The second part of our Road to Rizal series.
02:25.0
Naging abala kasi sila sa paglibot sa Pilipinas
02:28.0
gamit ang kanilang camper van na pinangalanan nilang Si Ilay.
02:34.0
January 2022, nang una silang lumarga para tuparin ang matagal ng pangarap na van life.
02:42.0
Pareho kaming nahilig sa pag-akyat ng bundok.
02:44.0
Tapos, yun nga yung isa sa naging issue.
02:47.0
Pagbaba ng bundok, pagod na pagod kami.
02:49.0
Tapos gusto na namin magpahinga, tapos babiyahe pa.
02:52.0
Tapos yung pinag-uusapan namin, paano kaya mangyayari yung hindi tayo agad uuwi?
02:57.0
Pagdating nung pandemic, hindi makaalis lahat, di ba?
03:00.0
Hindi rin kami makapag-travel.
03:02.0
So, nakaipon kami ng gusto.
03:04.0
Tapos naisip na lang namin isang araw, simulan na kaya natin yung camper van.
03:08.0
In-explore natin yung Malatap Falls.
03:11.0
Pero, malaki ang kailangang isa-kritisyo ng mag-asawa.
03:15.0
Gaya ng pagbibitiw sa trabaho ni Dennis bilang electrical engineer.
03:20.0
Yung van life, talagang inisip namin kung mabubuhay ba tayo pagka nag-quit ako niya
03:25.0
kasi hindi ko madadala yung trabaho pagka nasa road na kailangan office talaga.
03:30.0
And ayun, nagkasundo kami na sige, para sa pangarap.
03:34.0
Ito si Eli, the camper van.
03:35.0
Agad silang naghanap ng sasakyan na magsisilbi nilang bahay on the road.
03:41.0
Napunta na sa awareness namin yung camper van.
03:44.0
Talagang ang napusuan namin.
03:46.0
Sino ang nag-design?
03:47.0
Yung gumawa, yung ate ko. Meron silang construction company.
03:51.0
Umabot ng 250,000 pesos.
03:54.0
Ang gastos ni Dennis at si Lane sa pagbili at pagpapaayos kay Eli.
03:59.0
Siyempre, excited akong makita kung ano ang nasa loob ng van.
04:05.0
Ito ang mini-wrap namin.
04:07.0
So yung mga niluluto namin, dito namin iniimbak para inid-inid na lang kami.
04:12.0
Tapos ang kitchen ninyo?
04:13.0
Kitchen namin, eto.
04:15.0
So nandito yung mga utensils, dito namin iniimbak muna.
04:20.0
Tapos yung lutoan namin, beautiful.
04:23.0
Lutoan namin, butane.
04:24.0
So dito talaga kayo nagluluto?
04:27.0
Sakto na may exhaust tayo sa taas.
04:30.0
So talaga naisip mo na rin na maglagay ng exhaust?
04:32.0
Dati ano to, sunroof. May sunroof dyan.
04:35.0
Tinanggal namin para hindi na namin bubutasan.
04:38.0
Para tuwing gabi, kahit nakatigil kami, may fresh air pa rin sa loob.
04:42.0
And mag-move tayo dito?
04:44.0
Itong part na to, ano naman to?
04:46.0
So eto, eto yung pantry namin.
04:50.0
Nandito yung bigas.
04:52.0
Nandito dyan yung mga panbuto, condiments.
04:55.0
Tapos dito may mga canned goods.
04:57.0
Tapos eto, ito yung work table namin.
05:00.0
Tapos eto yung bed namin, sofa slash bed.
05:04.0
So pag hindi pa kami natutulog, kaya nagkaganyan siya.
05:10.0
Dahil sa maliit na espasyo,
05:12.0
kailangang dumiskarte ng mag-asawa para lang mairaos ang kanilang mga gawaing bahay.
05:19.0
Saan kayo nags-CR?
05:21.0
Saan kayo naliligo? Paano kayo naglalaba?
05:24.0
Yung pinakamadala, naglalaba, nagpapalaundry kami.
05:28.0
Mga laundry shops.
05:29.0
Maliligo, pinupunta namin waterfalls, mga ilog.
05:32.0
Pagka CR naman, meron kami ditong portable na toilet.
05:38.0
Pero ano yan, last resort pag talagang nasa liblib na lugar.
05:41.0
Pero pagka may akses sa gas station or mga facilities na pwedeng maki-CR, kinakapalan na lang namin yung mukha namin.
05:48.0
Mall. Maraming mall.
05:49.0
So, how does a typical day in the van life start?
05:52.0
Pag nasa field, mas maaga yung gising namin. 4 to 6 am yan para maabutan yung sunrise.
05:58.0
Throughout the day, yung prepare, tapos pupunta sa field work.
06:03.0
O, di ba? Para paraan lang. Hindi ko rin pinalampas ang pagkakataong bumiyahe sa kain ilay.
06:11.0
So, sarami nung gamit nila Dennis at Celine para sure na hindi walang babagsak.
06:18.0
Walang babagsak. Secured lahat. Tinatalian daw nila.
06:21.0
Okay. Pagpasok namin sa gubat.
06:23.0
Upang masustentohan naman ang kanilang mga gastusin, naghanap ng mga raket ang mag-asawa.
06:30.0
Sakto namang mahilig silang kumuha ng litrato at nagsusulat din si Celine.
06:35.0
Meet Pili o Canarium o Batu. Itong Pili ay...
06:38.0
Ngayon nga ay trending si Celine sa kanyang mga TikTok videos.
06:43.0
Napoproduce kami ng multimedia stories. Tapos about nature.
06:48.0
Nakakuha kami ng grants, mga projects, mga NGOs internationally and locally. Enough lang to sustain.
06:57.0
Ang pinaka-memorable trip ng dalawa ay nang makita ang Philippine Eagle sa bukid nun.
07:03.0
Sobrang exciting. Kasi bago ka makapunta sa area na ang daming limatik na madadaanan,
07:09.0
yung paa namin, dugo-dugo na. Pero yun, sulit. Sulit nung nakita namin.
07:17.0
Bukod sa pagtuklas sa mga bagong lugar, enjoy rin sina Dennis at Celine na makakilala ng mga bagong kaibigan.
07:25.0
Napagtanto nila na mas marami pa rin ang mababait at matulungin na Pinoy.
07:31.0
How do you guys keep yourselves safe?
07:34.0
Ayun, hindi lang kami parang showy pagka nasa bagong lugar.
07:38.0
Pagka inabot ng alanganin talagang minsan roadside. Tapos pag may katabing bahay, makikiusap na lang kami.
07:44.0
Otherwise, nagkuparking kayo sa mga baranggan.
07:47.0
Oh, barangay hall.
07:48.0
Grabe mga wildlife na napag-usapan natin doon.
07:52.0
Ang kahangahanga kina Dennis at Celine, kahit 24x7 magkasama at hindi pangkaraniwan ang takbo ng kanilang pamumuhay, wala silang naging matinding away.
08:04.0
So, there wasn't ever a time na parang sabi niyo, kailangan niyo ng space. E paano kayo magkakaroon ng space kung medyo limited?
08:12.0
Pagka nagkaka yung inisa na ano, dyan ka na nga muna. Labas lang ako.
08:17.0
Mag-walk lang, gano'n. Ikot ako sa bayan.
08:19.0
Paano pag nagkaanak na?
08:21.0
Ano kasi kami, child-free by choice. Kahit na lagi kaming exposed sa kagandahan, sa wonder.
08:28.0
At the back of our mind, nakikita din namin yung conflicts na, yung environmental conflicts, yung injustices on the ground.
08:37.0
Poverty, exactly. Naisip namin, why would you bring a child to this world mga ganon? Parang pag nagkaanak ka, dapat committed ka na dun sa kid.
08:46.0
Otherwise, kawawa siya, di ba? Eh, ang anak namin, ang kalikasan.
08:55.0
Sa kabila ng mga hamon, kontento at masaya, sina Dennis at Celine sa kanilang van life.
09:02.0
Sa lifestyle na to, nagagawa namin yung talagang main goal na yun nga is to document yung landscapes tsaka yung wildlife ng Pilipinas.
09:11.0
Would you recommend yung ganitong klase ng buhay sa iba?
09:14.0
Kung gusto talaga nila, go! Support, di ba?
09:20.0
Maraming lugar na mula sa walumput dalawang probinsya sa bansa ang kanilang napuntahan. Pero bukod sa marating ang buong kapuloan, may isa pang ultimate dream ang mag-asawa.
09:33.0
To plant our own forest. Yun yung ultimate ultimate goal. Mag-grow kami ng mga native trees, tapos mag-share ng seedlings para sa mga gustong magtanay.
09:43.0
Hindi pa nila alam kung hanggang kailan sila maglalakbay. Pero ang tiyak, patuloy silang babiyahe para ipakita ang ganda ng Pilipinas at isulong ang pangangalaga rito.
09:57.0
Marami nang nawala. Marami ng deforest, marami ng paunting hayop. Pero napakadami pa rin dapat pangalagaan.
10:13.0
Maraming salamat sa paglalakbay.