PNP may lead na sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy | #TedFailonandDJChaCha
Narito ang mga balita sa mga lalawigan ngayong Biyernes, May 10:
• PNP may lead na sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy
• Cebu City Mayor Michael Rama, iginiit na napulitika siya
• State of emergency, itinaas sa San Carlos City, Negros Occidental
• Dalagita, patay matapos pagbabarilin sa isang inuman; dalawang iba pa, sugatan
• Magnanakaw, nagpapanggap na pasyente para magnakaw sa mga clinic at ospital
#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
---
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:28
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Uuupo tayo sa mga balita sa Lalawigan. May magandang lead daw ang PNP sa kinaruroonan ni Pastor Apollo Quiboloy.
00:07.2
Hindi na idinetalyan ang PNP kung nasaan ang pastor, pero tuloy-tuloy pa rin ang manhunt operation ng mga polis laban sa kanya.
00:14.5
Nauna nang nanawagan si PNP Chief Romel Malbir, kaya Quiboloy nawag nang magmatigas at subuko na lamang ito.
00:21.9
May warrant of arrest ang pastor dahil sa mga kasong sexual abuse, child abuse at human trafficking.
00:27.4
Noong Mayo a 2, isinuko ng kanyang kampo ang lima sa labing siyam na armas ni Quiboloy sa Police Regional Office 11 sa Davao City.
00:37.6
Samantala ay ginitama ni Cebu City Mayor Michael Rama na politika ang motibo sa pagkakasuspinde sa kanya.
00:44.4
Ayon sa alkalde, sinisiraan siya sa Malacanang ng isang politiko na hindi naman niya pinangalanan.
00:50.0
Pinag-aaralan na raw nila ang posibleng legal na hakbang kaugnay ng kanyang suspensyon.
00:55.0
Posibleng sa mga susunod na araw ipatupad.
00:57.4
Ang susunod ng DILG ang suspensyon sa mayor.
01:00.6
Matatanda ang inireklamong alkalde ng ilang empleyado ng City Hall dahil sa iligal na paglipat sa kanila sa ibang departamento at hindi pagpapasweldo sa loob ng sampung buwan.
01:11.9
Kagabi nagsagawa ng prayer vigil ang mga taga-suporta ni Rama sa harap ng Cebu City Hall at Magellan's Cross.
01:18.7
Nagpunta rito si Rama at nagpasalamat sa kanyang supporters.
01:23.8
Nakataas na rin ang state of emergency sa San Carlos City.
01:27.4
At sa negro-soksidental dahil pa rin sa patuloy na epekto ng El Niño.
01:32.8
Ayon sa lokal na pamahalaan, matinding tagtuyot na rin ang nararanasan sa lungsod.
01:37.3
Umabot na sa halos 18 milyong piso ang pinsala sa agrikultura.
01:42.0
Mahigit limanda ang magsasaka na rin ang apektado.
01:44.7
Bago yan, nauna nang nagdeklara ng state of emergency sa Kabangkalan at San Enrique.
01:50.6
Patay naman ang 16-anyos na Dalaguita.
01:53.2
Habang sugatan ang dalawang niyang kaibigan matapos pagbabarilin sa seksyon.
01:58.5
Nagiinuma noon ang mga biktima sa labas ng isang convenience store nang mangyari ang pamamaril.
02:03.8
Agad na isugod sa ospital ang mga biktima pero binawian din ang buhay kinalaunan ang Dalaguita.
02:10.9
Stable naman ang kondisyon ng kanyang mga kasama.
02:14.0
Kabilang sa mga motibong iniimbestigahan ngayon ang mga polis,
02:16.9
ang personal na alitan, selos o di kaya na may gang war.
02:21.2
May person of interest na ang mga polis kaugnay ng pamamaril.
02:27.4
Arestado naman ang isang babae na modus ang magpanggap na pasyente para lamang makapagnakaw sa mga klinik at ospital sa Luzon.
02:38.1
Ayon sa ulat, kung hindi pasyente, nagpapanggap naman na kamag-anak o di kaya ay medical representative ang suspect.
02:44.3
Kapag nalingat ang kanyang target, dito na nga magkakalkal ng gamit ang suspect.
02:49.1
Karaniwang mga bag, cellphone at gadgets ang tinatangay ng salarin.
02:53.0
Pero nang subukang mambiktima sa Lipa, Batangas, nahuli sa aktuang suspect,
02:57.0
nang abutan ng isang doktor.
02:59.6
Nang arestohin at iproseso dito na nadiskubre ng mga polis,
03:03.2
na may kinakaharap ng reklamo ang suspect sa Antipolo, Baguio, Quezon City, Mangasinan at maging sa Tarlac.
03:10.2
Mahigit apat na pong doktor ng araw ang nanakawan ng suspect sa nakalimpas na tatlong taon.
03:15.6
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga polis sa nasabing krimen.
03:27.0
Ang mga mga mga mga mga mga mga mga.