Narito ang mga balitang konsyumer at pangkalakalan ngayong Miyerkules, May 8:
• Inflation, bumilis sa 3.8% nitong Abril
• NIA, planong magbenta ng P29/kg na bigas sa Kadiwa sa Agosto
• NWRB: Water allocation ng MWSS mula Angat Dam, posibleng bawasan sa May 16
• NEDA, umaasang mapabilis ng EO 59 ang infrastructure development
• Bahagi ng NLEX, isasara ng May 10-17 dahil sa construction
#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
---
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:27
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa mga balitang consumer at kalakalaan,
00:02.9
bumilis pa lalo ang inflation o ang antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Abril.
00:09.3
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA,
00:12.9
naitala ito sa 3.8% noong nakaraang buwan.
00:17.1
Bahagyang mas mabilis yan kumpara sa 3.7% noong Marso,
00:21.6
pero pasok pa rin ito sa 2-4% target ng Banko Sentral.
00:26.2
Ito na ang ikatlong sunod na buwan na bumilis ang inflation.
00:28.8
Ang paliwanag ng PSA, bahagya itong napigilan ng mas mabagal na rice inflation.
00:35.2
Dahil po dyan, dahil nga ito sa bahagyang pagbaba
00:39.6
ng pandaigdigan na presyo ng bigas matapos sumipa nitong Enero.
00:46.5
Usaping bigas pa rin mga kapatid,
00:48.4
sisimula naman daw ang National Irrigation Administration o NIA
00:52.4
na magbenta ng murang bigas sa Agosto
00:55.5
sa mga kadiwa stores plano ng NIA
00:58.3
na magbenta ng 10 kilogram na sako ng bigas
01:01.7
sa halagang P29 pesos kada kilo.
01:05.6
May inaasahan kasi ang ahensya na isang daang milyong kilo ng bigas
01:08.7
mula sa kinontrata nitong former cooperatives.
01:12.5
Posibleng dalhin daw nila ito sa mga lugar katulad ng Metro Manila, Cebu at Davao.
01:18.2
Samantala, hindi na raw malabo na bawasan ang alokasyon ng tubig galing sa Anggat Dam
01:22.9
para sa Maynilad at Manila Water sa kalagitnaan Puya ng Mayo.
01:28.3
Sa pagtataya kasi ng National Water Resources Board,
01:31.8
bababa sa 180 meter minimum operating level ang tubig sa Anggat.
01:37.3
Posible rin daw panatilihin ang mas mababang alokasyon
01:39.9
hanggat mapuno ulit ang dam ng regular na pagulan.
01:43.6
Maala lang sinabi ng pag-asa na naantala ang tagulan
01:46.3
dahil sa transition mula sa El Niño.
01:49.4
Sa kabila naman yan,
01:50.3
tiniyak ng NWRB na walang water interruption kahit ibaba sa 49 cubic meters ang alokasyon.
01:58.3
Sa ngayon, nananatili sa 50 CMS ang alokasyon ng Metro Manila mula sa Anggat Dam.
02:05.6
Naniniwala naman ang National Economic and Development Authority o NEDA
02:09.2
na makatutulong ang Executive Order No. 59
02:13.0
na mapabilis ang infrastructure development ng gobyerno.
02:18.3
Sa ilalim kasi ng nasabing EO,
02:20.8
sinimplihan na ang requirement para sa mga nakalista bilang flagship infrastructure projects.
02:26.8
Sa ngayon, mayroong isa,
02:28.3
185 proyekto sa listahan na yan na nagkakahalaga ng 9.14 trillion pesos.
02:35.0
Inatasan din ang mga ahensya at LGU na tanggalin ang mga redundant na procedure para sa mga ganitong proyekto.
02:41.9
Dapat din daw magbukas ng online system para sa mga application at pag-issue
02:46.3
ng mga lisensya o permit na kailangan.
02:50.8
Abiso naman po sa mga motoristas,
02:53.3
isasarang bahagi ng NLEX mula Mayo Adjes hanggang May 17.
02:58.3
Para raw yan sa construction ng Northern Access Link Expressway Project malapit sa Balintawak-Tol Plaza.
03:06.2
Tigdalawang north at southbound lanes ang isasara sa publiko sa gabi
03:09.8
at bubuksan ulit ng madaling araw.
03:12.7
Inabisuhan na mga dadaan sa NLEX na maglaan ang dagdag na oras para sa biyahe sakaling bumigat ang trapiko.
03:19.4
Ted Filon at DJ Chacha ngayon nasa Radyo 592.3 News FM, Monday to Friday 6 to 10 AM.