Close
 


Sobrang pondo ng PhilHealth noong 2023, umabot sa P173B | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#FrontlineTonight | Halos mabilaukan umano ang mga kongresista nang malamang aabot sa P200 bilyon ang sobrang pondo ng #PhilHealth noong nakaraang taon. Anila, kung ganyan palang kalaki ang perang 'di nagastos, bakit hindi ito ipinantulong sa taumbayan? #News5 | via Marianne Enriquez Follow News5 and stay updated with the latest stories! https://www.facebook.com/News5Everywhere https://twitter.com/News5PH https://www.instagram.com/news5everywhere/ https://www.tiktok.com/@news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:15
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.7
Halos mabilaukan daw ang mga kongresista ng malamang aabot sa 200 bilyong piso ang sobrang pondo ng PhilHealth noong nakaraang taon.
00:12.3
Kung ganyan daw pala kalaki ang perang hindi nagastos, e bakit hindi ito ipinantulong sa taong bayan?
00:19.6
Nasa frontline ang balitang yan, si Marian Enriquez.
00:22.1
Nag-ulantang ang mga mambabatas ng malamang ang laki pala ng perang hindi nagagastos ng PhilHealth.
00:30.6
Ngayong napakaraming Pilipino ang nangangailangan ng tulong sa kanilang hospital bills.
00:36.1
Sa pagdinig kanina ng House Committee on Health, napag-alamang 173.4 billion pesos ang sobrang pondo ng PhilHealth noong nakaraang taon.
00:46.1
Galing yan sa mga nakolekta nilang pera sa mga direct contributor.
00:49.5
Bukod pa yan sa higit 38 billion pesos na government subsidy ng PhilHealth at ang halos kalahating trilyong pisong reserve funds ng state insurer.
01:00.2
Halos nanlaki tuloy ang mata ng mga mambabatas sa laki ng perang hawak ng PhilHealth pero hindi naman ipinamamahagi sa taong bayan.
Show More Subtitles »